Google
 

Tuesday, November 20, 2007

ASINTADO DAW

Isang hunter mula sa lunsod ang lumuwas sa probinsya upang mag-hunting. Papunta sila sa kagubatan ng kanyang guide at panay ang pagyayabang na siya raw ay asintado at wala pa raw siyang ti-narget na di tinamaan. Pagdating sa kagubatan, agad siyang nakakita ng baboy damo, inasinta . . . binaril . . . sablay. Ang guide nagkakamot ng ulo, "Akala ko po talaga kayong asintado." "Asintado ako talaga, nagkaroon lang ng puwing ang mata ko kaya ako sumablay. Para patunayan ko sa iyo, babarilin ko iyong mga ibon na lumilipad na nakapikit." Ang guide nagdududa, "nakapikit at mapapalagpak nyo?" "Oo, manood ka," Pumikit ang hunter na asintado 'kuno' inumang at pinaputok ang baril, ng magmulat siya ng mata hinanap niya ang ibon na bumagsak. "Aba, pambihira pala ang mga ibon dito sa inyo, PATAY NA LUMILIPAD PA."

-----------------

BATANGUENYO

Noong unang panahon may tatlong magkakaibigan na nagpunta sa kabundukan ng Mt. Makiling upang mag-hunting. Isang tiga-Maynila, isang tiga-Bikol at isang tiga-Batangas.

Sa paghahanap nila ng mababaril na usa at baboy-damo napasuot sila sa isang tribo ng mga katutubo. Sila ay hinuli at iniharap sa pinaka-hari ng tribo. Hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng kanilang ulo kung hindi masisiyahan sa kanilang mga sagot sa anumang itatanong ng anak na prinsesa ng hari.

Unang tinanong ang Manila boy: Princesa : "Anong tawag mo rito? sabay turo sa pisngi ng princesa. Manila Boy : "Mahal na princesa ang tawag po namin diyan ay 'Pisngi'". Hindi nasiyahan ang princesa kaya pinugutan ng ulo si Manila Boy.

Sumunod na tinanong ang Bikolano... Princesa: "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito? sabay turo sa mukha. Ilokano : "Mukha" po mahal na princesa ang tawag po namin diyan". Hindi rin nasiyahan ang princesa. Pugot ulo rin si Bikolano.

Takot na takot na si Batanguenyo pero sumagot siya nang tanungin ng princesa:

Princesa : "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito?"
Sagot : "Ang tawag po namin diyan sa Batangas mahal na Princesa ay "dambana ng tuwa, galak at pag-galang".

Princesa : "ipaliwanag mo ang iyong kasagutan, ginoo".
Sagot : "Kasi sa amin po pag kami ay natuwa, nagalak o kaya ay gumalang, kami po ay humahalik diyan".

Princesa: sabay turo sa dibdib/suso "anong tawag mo rito?"
Sagot : "Mahal na princesa, tawag po namin diyan ay "bukal ng buhay at kalusugan, kasi diyan po umiinom ang mga bata upang mabuhay at maging malusog".

Princesa: sabay turo sa bandang sikmura/tiyan, "anong tawag mo rito?"
Sagot : "bartolina po, kasi siyam na buwan nakukulong ang aming mga anak diyan"

Princesa: anong tawag mo rito? sabay taas ng palda at itinuro ang ari na walang suot na panty (hindi pa uso noon).
Sagot : sabay luhod at nag-antada ng kuros , mahal na princesa, tawag po namin diyan ay "ALTAR NG DALANGINAN" kasi diyan po namin itinitirik ang aming mga kandila! Nasiyahan ng husto ang Princesa. Pinalaya si Mr. Batangas.

-----------------
NAGBAGO NA

Nagbalikbayan ang mister ni Mona:

MONA: Honey, ang mga sigarilyo ba'y para sa kamag-anak natin?
RAMON: OO. Hindi na ako naninigarilyo, nagbago na ako.
MONA: Itong mga alak, sa kamag-anak rin natin?
RAMON: Oo, hindi na ako umiinom, nagbago na ako.
MONA: Siguro itong make-up kits para sa akin.
RAMON: Hoy bruha, para sa akin 'yan. Di ba sabi ko, nagbago na akwo.

-----------------

BAKIT

Baket kapag nalalaglag ang TINIDOR may LALAKI daw na darating at kung KUTSARA ay BABAE? SAGOT: Kase ang lalaki nanunusok...ang babae nanunubo!

-----------------

AYOKO NA

Ayoko nang magpakasal sa iyo, Dahil pag kasal na tayo, dapat kong gamitin ang sa iyo. Hindi ko kaya,masyadong mahaba, mahihirapan ako. Ngawit at ngalay na ang kamay ko, hindi pa tapos ang ipagagawa mo. Mantakin mo... Garchitorina de Misericordia y Aguardecimiento, sobrang haba ng apelyido mo!

-----------------

PILLS

BF: Hon, di ako makatulog pwede ba tayong mag-sex?
GF: Hindi pwede! anong palagay mo nung sa kin--sleeping pills?


-----------------

PAHABAAN NG BUHAY

Boy1: Lahi namin ang mahabang buhay, lolo ko namatay 88 years old na.
Boy2: Ako Lolo ko namatay 98 years old.
Boy3: Ala yan! Lolo ko sobrang tanda PINATAY na lang namin.

-----------------

MANNER OF SPEAKING

Speaking Japanese

Tanong: ano sa hapon ang 'itatama ko ang pagkakamaling ito?'
Sagot: KO-KOREK-KO-TO

Tanong: Ano sa japanese ang nakabili ng mura!
Sagot: eh! di! Nakamura
Kengkay: how do you say skinny in japanese?
Menggay: i don't know...
Kengkay: eh di, purobuto!

-----------------

Speaking French

city- ce vou
drugs- sha vou
goodbye- va vou
bald- cal vou
caught in the act- na vou cou
feathers- valahe vou
not clear- mala vou
sink- lava vou
erap- vou vou

-----------------

WARNING

Warning:
Children playing outside the car can cause accident… and…
Adults playing inside the car can cause CHILDREN!!!!

-----------------

Asawa” 1st year masaya.
After 5 years tanggalin ang A “sawa na”.
after 10 years tanggalin ang S”awa na lang”.
Sa susunod na taon tanggalin mong A “wa na!”

-----------------

Sa airport canteen, umorder ang isang Amerikano>>

Kano: Miss, will you please give me one few two.>
Tindera: What sir?>Kano: I said one few two.>
Tindera: Oh, you want puto!>
Kano: Yeah, that’s right. Is that how you pronounce it ?>
Tindera: (Sa loob-loob, t*nga!, puto lang, pino-few two, few two pa,> gagantihan ko nga.)>
Tindera: Okey sir, What color do you want? Few la or few ti (pula or puti)

-----------------

babalik na naman sana ulit ako sa los angeles para magbakasyon, ng bumagsak ako sa huling tanong sa interview ko… hanggang ngayon iniisip ko kung ano ang “ENGLISH NG TAGALOG”

-----------------

Mag-iinuman Muna Sa isang klinika, nagpakonsulta ang isang seksing babae. Mayroon daw siyang ugaling hindi maalis-alis.

Pasyente:
Doktor, ano po kaya ang mabuti kong gawin? Sa tuwing ako po ay nakakainom ng brandy, maski sinong lalaking katabi ko ay aking niyayakap at hinahalikan.
Doktor: Aba’y matindi nga ang problema mo. Sandali lang may kukunin ako sa aking bar. Ilang sandali pa, bumalik ang doktor. May dala itong dalawang baso at isang bote ng kabubukas pa lang na brandy.
Doktor: Mag-iinuman muna tayo, Miss. Para masuri kong mabuti ang iyong sakit.

-----------------

Addition

Isang macho na may kabit na bakla ang nag-uusap habang kumakain sa isa restoran Macho: Tatanungin kita at titingnan ko kung masasagot mo lahat ng itatanong ko?
Bakla: Okey, game na ako.
Macho: One lak mo ko plus one lak mo ko?
Bakla: Tu lak mo ko (Sabay tulak sa bakla ng macho)
Macho: One dozen mo ko plus one dozen mo ko.
Bakla: Tu dozen mo ko. Ay! ay! ako naman ang magtatanong. Ang sagot mo gagawin ko rin sa iyo. Okey? Ito ang tanong ko: ONE PAIN MO KO PLUS ONE PAIN MO KO.
Macho: TUPAIN MO KO. Bakla: Aaaaaaayyyy! Sabi mo yan ha?

No comments: