Google
 

Monday, July 28, 2008

Matapang ang pilipino

May tatlong magkumpare na nagtatrabaho sa Saudi. Isang German, isang Pakistano at isang Pilipino. Sila ay nag-iinuman ng mahuli sila ng kanilang Arabong amo. Sila ngayon ay ipinakulong (bawal ang alak sa Saudi). Makalipas ang ilang oras, dumating ang sultan.

Sultan: Dahil sa inyong pagsuway sa aming batas, kayo ay parurusahan sa pamamagitan ng dalawampung beses na paglalatigo. Bukas kayo malilintikan.

Kinabukasan, bumalik ang sultan sa selda, masaya at naka-ngiti dahil kaarawan ng kanyang asawa.

Sultan: dahil kaarawan ng aking asawa, bibigyan ko kayo ng isang kahilingan, pero tuloy parin ang paglalatigo. (Sabay humarap sa German)
Ikaw, anong iyong kahilingan?

German: kung maaari, paki lagyan ng unan ang aking likuran. at ito'y natupad. ngunit sampung latigo pa lamang ay nasira na ang unan at nangirot sa sakit ang German.

Sultan: (sa Pakistano) ikaw, ano ang iyong nanaisin bago ka parusahan?

Pakistano: kung maaari ay lagyan ng DALAWANG unan ang aking likuran. at ito ay nasunod. ngunit 15 na latigo pa lamang ay nasira na ang unan at namilipit sa sakit ang Pakistano. ngayon ay ang Pilipino na.

Sultan: ikaw, dahil ikaw ay Pilipino, at may mga Muslim sa inyong bansa kayo'y magagalang at ako ay bilib sa inyong kultura, maaari kang magkaroon ng dalawang kahilingan.

Pilipino: salamat po!

Sultan: pwes, ano ang una mong kahilingan?

Pilipino: (napaisip) kung maaari gawin ninyong ISANG DAAN ang aking parusa. Napabilib ang Sultan at medyo napaluha.

Sultan: hindi lang pala kayo magalang, kayo rin pala ay lahi ng matatapang at marangal! ito ay masusunod, ano naman ang iyong pangalawa at huling kahilingan?

Pilipino: kung maaaring itali ninyo ang German at ang Pakistano sa aking likuran!

------------------

GF: I'm warning you! darating na si daddy within 1 hour!

BF: Eh ano ngayon? eh wala naman tayong ginagawang masama ah!

GF: Kaya nga! kung may plano ka, DALIAN MO NA!!

------------------

Ano English ng "baka maswerte ako?

Beef Lucky Me!


Ano ang "maswerte ako Inay?"

Lucky Me Mami!


Ano ang "maswerte akong lalake?"

Lucky Me with Egg!

------------------

Nay, bakit po VICTORIA ang name ni ate?
Kasi anak dun namin siya ginawa ng itay mo...
Eh bakit si kuya, ANITO?
Ay, tumigil ka na nga Luneta at baka mapalo kita! tawagin mo na si kuya FX mo!

------------------

A mental patient is singing while lying on a hospital bed.
after a song dumapa sya
the nurse asked...
"O, bakit ka bumaliktad?"
he answered:
"Addict ka ba?! Side B na kaya!"

------------------

Sabi Airforce: "No Guts No Glory!"

Sabi Marines: "No Retreat No Surrender!"

Sabi Army: "No Pain, No Gain!"
naks! ayaw patalo
Pinoy Security Guards: "No I.D. No Entry!"

------------------

HONEYMOON:

Wife: Hon wag mo ako bibiglain ha? I'm still a virgin

Husband: You mean ako ang una?

Wife: Yes, do it na

Husband: I did it na, kanina pa!!

Wife: ah ganon ba? Aray pala

------------------

Ama: Buntis anak ko, panagutan mo!

BF: May asawa na po ako!

Ama: Pano 'to?

BF: Areglo na lang po... 2 M pag Boy, 2.5M pag Girl

Ama: Ok, pero pag nakunan. GIB HER ANADER CHANS ha?

------------------

BALIW (tumawag sa mental hospital):

Hello... may tao po ba sa Room 168?

Telephone Operator: Wala po, Bakit?

Baliw: Check ko lang kung nakatakas talaga ako!

------------------

Misis: lolokohin ko mister ko, magpapanggap ako na prosti dito sa kanto namin

(dumaan ang mister nya...)

Misis: Pogi! available ako ngayon, pwede ka ba?

Mister: Yoko sayo kamukha mo misis ko!

No comments: