Google
 

Thursday, July 31, 2008

Nagbabagang balita

Para sa mga nagbabagang balita ... ngayon ay nasusunog na!!
Dalawang kalbo , nag-sabunutan .....
Capt.Hook dumaan sa Quiapo, pinirata .....
Pala-isdaan , nasunog .....
Tahanang Walang Hagdan , inakyat .....
Bakla sumali sa away , napasubo .....
Bagong tuli nagyabang , lumaki ang ulo .....
Unanong madre , nagpakamalang penguin ......
Bulag nakapatay , nagdilim daw ang paningin .....
Iceman nanood ng porno , nag-init .....
Tindera ng suka , tinoyo .....
Teacher nagkamali , tinuruan ng leksyon .....
Eroplano nag-crash , lahat ng pasahero namatay sabi ng mga survivor .....
Basurero nag-sampa ng kaso , binasura .....
Dahil may reklamo , eskwelahan ng mga bingi nag noise barrage .....
Tubero , nagkatulo .....
Lalaki natagpuang pugot ang ulo , inalam pa kung buhay .....
Barbero tumestigo sa krimen , ayaw paniwalaan .....
Misis ng photographer , nakunan .....
Tindera ng tubig , namatay sa uhaw .....
Kaso ng pilay , nilakad ....

----------------------------

Mga Balita

Mga Balita sa Radyong Sira

Ito na naman po si MCra naghahatid sa inyo ng mga balita dito sa RADYONG SIRA:

1. Nanay na buntis sinaksak fetus nakailag.

2 .Isang kalbo may kuto.

3. Isang tao nasaksak ipinagmalaki pa.

4. Isang dwende minaliit.

5. Isang machong lalaki, bakla pala.

6. Tindahan ng saging, may matsing.

7. Isang taong namatay inuod, pero nung namatay ang uod hindi tinao.



Binabati ko po ang mga binging nakikinig samin, at sa mga bulag na nanonood ng channel 72 GMA-CBN Kapumilya no.1 tayo. Salamat po.

No comments: