Google
 

Tuesday, October 14, 2008

MASARAP NA PULUTAN

Isang araw, may isang lasenggero na nagyaya sa
kanyang kumpare na makipaginuman sa isang handaan..

Lasinggero: Pare sama ka sa akin sa handaan,
may inuman..

Kumpare: Sige lang pare...

Lasinggero: Tara na pare, masarap ang pulutan don..

Kumpare: Sige lang pare..

Lasinggero: Bahala ka pare, sige pare bahala ka..

Pagkalipas ng ilang oras, bumalik ang lasinggero
sa bahay ni kumpare at nagumpisang magyabang..

Lasinggero: Sabi sayo pare ang sarap ng alak at
pulutan doon sa handaan..

Pare: Ows talaga?

Lasinggero: Oo pare, may afritada, sisig, bopis,
kalderetang kambing at marami pa..

Pare: Sarap talaga no?

Lasinggero: Oo ah.. (biglang natahimik)...
Saglit lang pare.. Susuka na ako...

Maya maya pa ay sumuka na ang lasinggero..
Nagkalat ang sinuka nyang PANSIT sa daan...

Pare: Akala ko ba masarap ang pulutan?
Bakit pansit ang sinuka mo?

Lasinggero: Bakit ko naman isusuka ang masarap
na pulutan!

----------------------------

Lumindol ng malakas noon. Nagkagulo ang lahat at nag panic!
Sigaw ng isang lalaki: "Katapusan na! Katapusan na!"
Sumagot ang isa rin lalaki: "Tanga! Akinse pa lang ngayon"

----------------------------

sa isang classroom.....
titser: class, ano ang iba't-ibang kulay ng saging?
juan: green, yellow, red and brown mam!
titser: may brown ba na saging???
juan: eh ung sinaing na saging, ano yun FAKE?!

---------------------------

Pedro na-late sa klase?

Titser: Pedro late ka na naman!

Pedro: Late po kasi relo ko

Titser: problema ba yun? Edi i-advance mo!

Pedro: Opo?

Titser: O san ka pupunta?

Pedro: Mam, uwian na! =)

No comments: