Google
 

Wednesday, December 5, 2007

MAGALING NA DAW 

Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?" Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!" Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."

Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa." Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay." Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente! Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!" Bilib na naman ang Doktor. Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?

"Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa.""Pagkatapos..." tanong ng Doktor. "Pagkatapos... " sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty". "Pagkatapos..." tanong ng Doktor. "Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"


NAKATIPID

Takbong pumasok ng bahay si Mario. Pagud na pagod, pero masayang-masaya. Nagmamayabang pa sa ina. "Nanay! Nanay! Nakatipid ako ng uno singkwenta." "Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay. "Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't nakatipid ako ng one-fifty!" "Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo, 'Di mas malaki ang natipid mo!"

Agaw-Buhay

Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa. "Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo." "Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo." "Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........" "Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo." "Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita sana ay patawarin mo ako." "Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

NAKABAWI
Isang binatang nasisiraan ng ulo ang isinugod sa pagamutan ng mga baliw sa Mandaluyong City. Tawa nang tawa. Humahagikgik, humahalakhak at walang tigil. Siyempre, bagong pasok ay ininterbyu siya ng naroong doktor.
"Rodel po ang pangalan ko. Mayaman po kami. Ang totoo po, may kakambal ako. Magkamukhang-magkamukha kami at halos ay wala kaming pinagkaibahan. Dahil sa sobrang pagkakamukha namin, sa eskuwelahan, kapag may test kami, siya ang kumukuha para sa akin."
Tatangu-tango ang doktor. Sa isip- isip niya'y mukha namang matino ang binata.
"Minsan nga po, nang mapaaway siya sa isang bayan, ako ang nakulong. Ang malungkot po na hindi ko malilimutan ay may girlfriend ako na mahal na mahal ko. Siya ang nakatanan. Napagkamalan niya ang kakambal ko." paliwanag ni Rodel."E, bakit mukhang masayang-masaya ka ngayon?" usisa naman ng doktor."Kasi po, nakabawi naman ako. Noong isang linggo, namatay ako. Siya ang inilibing."

KUWENTONG PARI
Minsan, isang pari ang naligaw. Hindi niya makita ang kalyeng hinahanap. Nagtanong siya sa isang bata. "Anak, saan ba ang daan patungo sa Kalye Balong-bato?" tanong ng pari. "Father, diretsuhin n'yo lang po itong daan at pagdating sa ikalawang kanto ay iyon na po ang Kalye Balong-bato," turo ng bata. "Salamat, anak! Dahil sa iyong kabutihan ay hayaan mong ituro ko sa iyo ang daan tungo sa kalangitan!" tuwang pasakalye ng pari. Nagalit ang bata, "Para kayong ****, Father! Ang yabang-yabang n'yo!Kung `yung daan lang patungo sa Balong-bato ay `di n'yo alam, `yun pa kayang daan patungo sa langit?"



No comments: